WIN

winnie | 19 | bibliophile | communication, media and film enthusiast | aspiring film maker

A sense of nationalism: The Philippines has no such thing

Interview with Rai Cruz, Blic and Lamok

72414

Ang lungkot ko kanina. Nag-exam ako habang wala ako sa mood. Ang lungkot ko kanina habang nasa klase ng Design In Film. Halos ayoko ng magsalita kanina. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit. Siguro senyales na ‘yun para ipaalala sa’kin na maghinay-hinay muna, may oras para sa lahat, ‘wag masyadong mag-isip dahil magiging ayos lang ang lahat. Naramdaman ko’ng nagreboot ang sistema ko. Naramdaman kong nabawasan yung bigat na dala ko, yung karga sa utak ko. May lugar na ulit para sa mga bagong bagay. May kakayahan na ulit akong tumanggap ng biyaya at hamon. 

Chuck Lorre Productions, Vanity Card #196

My Soul’s Journey

To let go of the fear and anger which imprisons my heart,
To relinquish all childish expectations and live joyfully in the world as it is —
not as I wish or imagine it to be,
To be free of the always craven and ever-craving ego,
To be released from the endless hungers of the body,
To see God in others, 
To see God in everything,
To die without death and merge my consciousness into the
cosmic sea of bliss from which I came, 
To crank out two sitcoms a week that can compete 
with a deaf chick dancing her ass off…
This is my soul’s journey.

Waiting For The End by Linkin Park
I find their music video very creative. Hindi nagtipid sa editing. Video wise, sobrang ganda nya. Samahan mo pa ng napakagandang kanta. Panalo talaga. Been playing this for forever

Waiting For The End by Linkin Park

I find their music video very creative. Hindi nagtipid sa editing. Video wise, sobrang ganda nya. Samahan mo pa ng napakagandang kanta. Panalo talaga. Been playing this for forever

July 11, 2014

Lasallian Youth Summit (Morning batch)

July 16, 2014

Nagising ako sa sigawan ng nanay ko at ate ko.

"Ne, kunin mo yung martilyo!!"

"Sa’n nakalagay, Ma!?"

"Nasa ilalim ng double deck! bilisan mo!"

Nagpapanic ang mga tao habang masarap akong natutulog kahit walang kuryente. Ang lamig pa rin kasi tsaka ang sarap sa tenga ng tunog ng ulan. Nagulantang ako sa tunog ng mga yerong binibitbit. Mas pinili kong magising at tingnan ang mga nangyayari. Nagulat naman ako ng very slight sa naging hitsura ng bahay namin. Puro putik, basa ang sahig, maraming bagay sa sala na hindi naman sa amin. Nakita ko yung dalawang batang kapit bahay namin sa sala at naglalaro. Pagbaba ko ng hagdan, napansin kong hindi lang pala sila yung tao sa ground floor namin. Ang daming naka-bota at nakajacket. Nagrerescue na pala sila Mama ng mga tao sa subdivision namin. Nalaman kong ang dami palang niliparan ng bubong. Isa na nga dun sila Yvan (yung batang nasa 1st picture). Sa pagkakaalala ko, pangalawang beses na nilang nabuwalan ng bubong. Natrauma ata yung kapatid nyang baby kasi hindi nagsasalita, nakatulala at paminsan-minsang umiiyak. Basa ang lahat ng gamit nila. Buti na lang at naagapan kagad nila Mama kaya natulungang maglikas ng mga gamit. Buti na lang pala nakapagtraining sila Mama sa organization nila tungkol sa pagrerescue. Tinawagan ni Mama yung mga kasamahan n’ya para tulungan yung iba. 

Hindi na umuulan ng malakas ngayon, ambon na lang. Hindi na rin malakas ang hangin kaya nilulubos na ng mga tao ang pag-aayos ng mga bubong nila. Wala naman ngayon sa bahay si Mama kasi nagrerescue sa ibang lugar. 

Medyo nakakatakot kasi ngayon lang naputol yung punong mangga na nasa picture. Sobrang lakas ng hangin at matindi yung buhos ng ulan kagabi. Hindi ko lang talaga inaasahan na maraming mabubuwalan ng bubong. Buti na lang at walang nadali ng mga flying bubong. Sa ngayon, wala namang napaano.

P.S.

Nagbe-baby sit ako sa mga kapit bahay naming bata kaya hindi ako makatulong sa pagrerescue.

Stop telling people what to do. They have their own journeys. Stick to yours.

Hindi mahalaga kung saan ka galing. Ang mahalaga ay kung saan mo balak makarating.

7. You want to sleep but you can’t, so you just made up scenarios like a fan fic. lels